Re-booking & Refund Guidelines para sa apektadong byahe ng Philtranco dahil sa COVID-19 Lockdown

Sa aming mga minamahal na pasahero,

Para sa lahat ng nakabili na ng kanilang tickets in advance, ito ay maaari pang ma-rebook sa loob ng anim (6) na buwan.

Kung sakaling nakapagdesisyon kayo na hindi na ituloy ang inyong byahe, maaari rin na i-refund.

Dalhin lamang po sa pinakamalapit na terminal ng Philtranco para ma-process ito. Wala pong extra charges na ipapataw.

Pagkatapos ng quarantine period na idineklara ng Gobyerno.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari po kayong tumawag sa aming hotline numbers 02 8851 8077 to 79 o mag message sa aming Facebook page (Philtranco)

Dasal po namin ang kaligtasan ng lahat.

Maraming salamat po.