Bilang paghahanda sa darating na Undas, bumisita si Department of Transportation and Communications Secretary Mar Roxas sa tanggapan at terminal ng Philtranco noong October 28, 2011 para sa “Ligtas na Undas” plan upang tiyakin ang ligtas na paglalakbay ng mga pasaherong daragsa para umuwi at dumalaw sa kani-kanilang mga yumaong mahal sa buhay.