New Araneta Center BusPort Ticketing System
Ilang paalaala para pagbili ng ticket ng mga pasahero ng Philtranco at Amihan sa bagong Araneta Center BusPort:
1. Tumungo sa Ticketing Lounge at mag-fill up ng Passenger Information Slip (PIS) at ibigay sa ticket counter.
2. Ibigay sa ticket counter ang PIS at pumili ng destinasyon, bus company, oras ng byahe, seat number at bayaran ang pamasahe. Kung may excess baggage na dala, ito ay dadaan sa QRS Cargo Counter (Baggage handling agent) para sa kaukulang waybill.
3. Tumuloy sa loob ng Passenger Lounge para maghintay nang anunsyo tungkol sa byahe.
4. Thirty (30) minutes bago ang takdang pag-alis, tumungo sa Bus Loading Area at sumakay sa bus na naka-indicate sa ticket. Ang mga excess baggage ay ikakarga ng mga taga-QRS sa nasabing bus.
5. Pag-akyat sa bus, iabot sa konduktor ang ticket para i-check at kukunin dito ang kulay blue at green na bahagi at ibabalik muli sa pasahero ang maiiwang bahagi ng ticket.