Frequently Asked Questions

Types of Buses, Routes,Terminals

Anong oras ang mga biyahe ng PHILTRANCO

Mula 6:30 ng umaga hanggang 9:30 ng gabi, depende po sa destinasyon na pupuntahan
ninyo at kung saang terminal kayo sasakay. Para sa kumpletong detalye ng oras at byahe
ng PHILTRANCO, bisitahin ang aming website:
philtranco.net

Magkano ang pamasahe kapag sumakay sa PHILTRANCO

Ito po ay naayon sa per kilometer fare na approved ng LTFRB. Para sa kumpletong
detalye ng pamasahe ng PHILTRANCO, bisitahin ang aming website:
philtranco.net

Saan matatagpuan ang mga terminal ng PHILTRANCO

May mga terminal sa Pasay, Cubao, Daet, Naga, Iriga, Legazpi. Para po sa kumpletong listahan ng terminals ng PHILTRANCO, bisitahin ang aming website:philtranco.net

May mga bawal bang dalhin sa loob ng bus o terminal ninyo

Bawal sa bus at terminal ang mga sumusunod:

  • Lahat ng uri ng mga hayop
  • Ano mang uri ng sandata na nakamamatay
  • Ano mang uri ng matatalim at matatalas na bagay
  • Mga pintura at mga kemikal na kauri nito
  • Ano mang uri ng mga paputok
  • Ano mang uri na nakakalason at nakakasakit na kemikal
  • Ano mang uri ng mga bagay na kalawangin at asuge
  • Ano mang uri ng gas na nakakalason at maaaring masunog o magliyab
  • Ano mang uri ng mga likido na maaaring masunog o magliyab

Gaano po ba kadami at kalaki ang pwedeng dalhin ng isang pasahero sa bus sa pagbyahe, May limit ba ito

Ang bawat pasahero po ay maaring magdala ng bagahe na hindi lalagpas ng apat na pung (40) kilo. Ito ay may dagdag na bayad kung hindi kasya sa overhead o ilalim ng upuan.

Ano-ano ang mga facilities sa bus ninyo

  • Deluxe (Non-Aircon) – WIFI ready at May audio-video player
  • Premium Deluxe (Airconditioned) – WIFI ready at may audio-video player
  • Executive Coach – WIFI ready, audio-video player at on-board toilet

Saan-saan ba ang terminals ninyo

No. Terminal Address
1 PASAY EDSA CORNER, APELO CRUZ STREET, PASAY CITY
2 CUBAO 601 EDSA BRGY. SAN MARTIN DE PORRE, CUBAO, QUEZON CITY
3 NAGA NAGA CITY CENTRAL BUS TERMINAL, BRGY. TRIANGULO DIVERSION ROAD, NAGA CITY
4 IRIGA BRGY. SAN NICOLAS, IRIGA CITY
5 LEGASPI LEGASPI GRAND CENTRAL TERMINAL, BITANO, LEGASPI
6 ILOILO C/O TOTAL GASOLINE STATION, TAGBAK JARO, ILOILO CITY
7 TACLOBAN PHILTRANCO NEW BUS TERMINAL, ABUCAY TACLOBAN CITY, LEYTE
8 CDO AGORA TERMINAL, MAMBATO DTREET., AGORA, LAPASAN, CAGAYAN DE ORO
9 DAVAO CANDELARIA STREET, ECOLAND TERMINAL, ECOLAND DAVAO CITY

Lahat ba ng bus ninyo ay may WiFi

Hindi pa po lahat ng bus ng Philtranco ay naka WiFi, Para malaman ninyo kung ang bus ay may WiFi o wala, may naka paskil na WiFi sticker sa windshield nito at sa gilid ng bus.

Mula Manila saan ba ang stop overs ng bus ninyo papuntang Bicol "Naga"

Kapag po ang bus ay galing sa Pasay, ang stop overs po nito ay sa Alabang at Turbina para po magpick up ng pasahero, at ang sunod po ay sa Kamsa Kamsa kung saan kayo ay makakapag agahan, tanghahilan o kaya hapunan. Matapos po tuloy na ang byahe.

Mula Manila saan ba ang stop overs ng bus ninyo papuntang Tacloban

Kapag po ang bus ay galing sa Pasay, ang stop overs po nito ay na sa Alabang at Turbina para po magpick up ng pasahero. Ang sunod po ay sa Kamsa Kamsa upang kayo ay makapag agahan, tanghahilan o kaya ay hapunan. Pagkatapos tuloy na sa Naga Central Terminal, Iriga Terminal, Legaspi, Allen, Calbayog at Catbalogan.

Ticket, Pamasahe, at Reservation

Tumatanggap ba kayo ng ticket reservation

Tumatangap kami ng reservation tuwing JULY, AUGUST, SEPTEMBER, OCTOBER at NOVEMBER.

May bayad ba ang mga bata sa bus

Ang lahat ng batang naka-upo, anong edad man nila, ay may bayad katumbas ng isang pasahero. Ngunit sa mga batang pitong taong gulang pababa kalahati po ang bayad sa ordinary, pero kung sa aircon buo na po ito. Ang mga batang hindi lalagpas sa 3 talampakan ay libre na.
May 20% discount po sa mga estudyante, kailangan lang po ipakita ang enrollment form at valid ID.

Kung sakaling nasiraan o nasangkot sa aksidente ang bus, refundable ba ang ticket kung sa ibang bus kami sasakay

Kaagad na nagdidispatch ang PHILTRANCO ng bus bilang kapalit sa nasiraang sasakyan para matuloy ang biyahe ng mga mahal naming pasahero sa kanilang destinasyon.
Ngunit kung nais ng pasahero na magpa-refund ng ticket, kailangan po itong gawin sa pinakamalapit na Philtranco Terminal, at dapat ay may pirma ng conductor at dapat nakasaad kung saan naputol ang byahe at dapat itong maiparefund saloob lamang ng 24 hours prior sa drop off date.

May discount ba ang senior citizen, estudyante, at Persons with Disabilities (PWD)

Oo, nagbibigay tayo ng 20% discount sa mga senior citizen, estudyante at Persons with Disabilities (PWD). Ipakita lang ang senior citizen I.D., official school I.D. o di kaya PWD ID.

Pwede ba akong bumili ng bus ticket online

Maaari kayong bumili ng ticket online through our online booking partner na si PinoyTravel. I-click lang ang link sa aming websitephiltranco.net

Maaaring magpa-reserve apat (4) na araw bago ang inyong nais na araw ng byahe upang masigurong na-process ang inyong reservation.

Maaari din kayong bumili ng ticket in advance sa aming terminal isang buwan (1 month) bago ang inyong nais na araw ng byahe.

Advertising at Space Rental

Nagpapa-rent ba kayo ng bus, Magkano ang rates

Para sa bus charter services ng Philtranco, maaring kayong mag-inquire thru email:
marketing@philtranco.com.ph or tumawag sa (02) 800-7036.

Maari bang mag-advertise sa bus ninyo

Para sa advertising spaces ng Philtranco, maaring kayong mag-inquire thru email:
marketing@philtranco.com.ph or tumawag sa (02) 800-7036.

Maari bang mag-ground activity sa inyong terminal?

Para sa ground activations, product samplings, demonstration at recruitments sa Philtranco Terminals, maaring kayong mag-inquire thru email: marketing@philtranco.com.ph or tumawag sa (02) 800-7036.

Gusto ko sanang mag-rent ng space sa terminal ninyo para magtinda. Ano po ang gagawin ko

Para sa space rentals sa aming terminals, maari kayong tumawag sa aming General Admin department sa 0915-6330- 025/0999-3022- 913 or mag-email ng proposal para sa inyong produkto at magpa-set ng appointment sa leasing.jam@gmail.com.

Lost Items, Baggages and others

Ano ba ang lost & found procedure/policy ninyo

Para mai-report ang nawalang gamit, mag fill up lamang ng form sa terminal, at isulat ang buong detalye ng inyong biyahe kagaya ng petsa, oras, bus number, at iba pa upang maimbistigahan at matukoy kung saan posibleng mahanap ang bagahe o nawawalang gamit. Ang mga detalyeng ito ay makikita sa inyong ticket.

Maraming beses na nagbabalik ng mga naiiwang gamit ang aming mga Bus Captain at Attendant. Ang anumang gamit na nakukuha nila matapos ang byahe ay agad na ibinibigay sa management office upang mai-claim at maibalik sa may-ari. Pinapakiusapan ang mga pasahero na magdala ng valid ID sa pag-claim ng naiwang gamit.
Importante po na ang mga bagahe ay nakarecord sa ticket or naka deklara para kung sakaling mawala ito sa hinding inaasahan na panahon ay mas mapapadali ang proceso sa paghahanap at pag-aayos ng problema.

Pwede bang magpadala ng bagahe/dokumento sa terminal, Magkano po ba ang charge

Oo, puwedeng magpadala ng bagahe/dokumento sa terminal. Pumunta lang sa Cargo Office sa alin mang terminal para magbayad ng fee para sa bagahe/dokumento na ipapadala.
PhilKargo/Cargo Office located at EDSA Corner Apelo Cruz Street, Pasay City, contact number (02) 853-3222; (02) 409-8492. Hanapin lamang po si Mr. Billy Soleta, Cargo Personnel.

Gusto kong mag-apply ng trabaho sa Philtranco. Paano ako mag-aapply

Para sa mga latest na job openings sa Philtranco, palaging tingnan ang aming website sa philtranco.net. Kung sakaling merong trabaho na tugma sa inyong qualification, i-email ang inyong latest resume with latest photo sa recruitment@jam.com.ph o magsadya lamang po sa tanggapan ng HR department ng Philtranco sa EDSA cor Apelo Cruz St., Pasay City.