Ang “Byaheng Masaya at Serbisyong Subok na!” ay mas pinadali na rin ngayon sa tulong ng Via.com.
Noong February 14, 2014 inanunsyo ng Philtranco ang partnership nito sa Via Philippines, ang Asia’s largest travel network. Pinirmahan ang kontrata ni G. Dennise C. Trajano, Presidente ng Philtranco, sa presensya ni G. Rogelio Domingo, VP for Operations at ilang Via Philippines representatives. Ngayon bawat byahero ay makakabili na ng Philtranco Bus Ticket sa 6,000+ accredited travel agencies. Para sa mas convenient na pagbyahe patungong : Legaspi, Naga, Clark/DMIA, Bulan, Sorsogon, Gubat, Sorsogon, Donsol, Sorsogon, hanapin lamang ang via.com logo sa mga establishments at pwede ring magpareserve online.